Muling tatapak sa lona ang Filipino boxing icon na si Manny Pacquiao para kalabanin si RIZIN Featherweight Champion Chihiro Suzuki sa July 28 sa Saitama Super Arena sa Japan.
Ginawa ng kwarenta’y singko anyos na pinoy boxer at dating senador ang anunsyo sa RIZIN, kahapon.
Si Pacquiao na mayroong 62-8-2 with 39 knockouts na record bilang boxer, ay nagretiro mula sa professional boxing makaraang matalo kay Yordenis Ugas noong 2021.
Pagkatapos namang mag-retiro ay sumabak sa exhibition game si Pacman laban kay DK Yoo ng South Korea noong December 2022 kung saan nanalo siya via unanimous decision.