AABOT sa 3,627 families ang naapektuhan ng Tropical Storm Isang, na lumabas ng Philippine Area of Responsibility noong Sabado ng umaga.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang mga apektadong pamilya ay katumbas ng 13,886 individuals.
ALSO READ:
Sa tala ng ahensya, sampung barangay mula sa Cagayan Valley at Bicol Region ang naapektuhan ng bagyo.
656 families o 1,566 individuals ang pansamantalang nanunuluyan sa apat na Evacuation Centers habang labimpitong pamilya ang nakikitira muna sa kanilang mga kaanak o kaibigan.
Nakapagpamahagi na ang DSWD ng mahigit 1.6 million pesos na halaga ng ayuda sa mga apektadong pamilya.