17 August 2025
Calbayog City
Province

Mahigit 2,400 na magsasaka sa Pampanga tumanggap ng tulong-pinansyal sa ilalim ng AKAP

magsasaka

Nakatanggap ng tulong-pinansyal ang mahigit 2,400 na mga magsasaka sa Pampanga sa ilalim ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program o AKAP ng Department of Social Welfare and Development.

Ginanap ang AKAP payout sa Bren Z. Guiao Convention Center, San Fernando na pinangunahan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian.

Bawat magsasaka ay tumanggap ng tig-P3,000 na cash assistance bilang dagdag na tulong sa araw-araw na gastusin.

Ang AKAP ay bahagi ng tulong ng pamahalaan sa mga mamamayan na bagaman may hanapbuhay ay hindi naman sapat ang kinikita para maitaguyod ang araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).