IPINOPROSESO na ng Department of Foreign Affairs ang Repatriation ng mga Pinoy na na-rescue sa isang Scam Hub sa Myawaddy, Myanmar.
Ayon sa pahayag ng DFA, patuloy nitong binabantayan ang sitwasyon at kalagayan ng mga nailigtas na Pinoy.
Sa Datos ng Philippine Embassy sa Yangon, umabot na sa 222 ang natanggap nitong Active Requests para sa Repatriation Assistance mula sa mga Pinoy sa Scam Hub Areas sa Myanmar.
Ito ay kasunod ng ikinasang serye ng operasyon ng mga otoridad noong Oct. 20. Sinabi ng DFA na mayroon nang 66 na Pinoy ang nakatawid na sa Thailand habang siyam (9) naman ang nakabiyahe na patungong Yangon at nasa kostodiya na ng Embahada.




