HINDI bababa sa dalawampu’t isa ang nasawi sa pinakabagong pagdanak ng dugo sa Gaza Humanitarian Foundation o GHF Aid Distribution Centre sa Southern Gaza.
Kinontra ng Ministry of Health sa Gaza ang alegasyon mula sa US at Israel-Backed Organization na armadong kalalakihan ang responsable sa insidente sa Site sa Khan Younis.
Sa Statement ng Health Ministry, labinlima ang nasawi bunsod ng Stampede at Suffocation matapos hagisan ng Tear Gas ang mga humihingi ng tulong.
Idinagdag ng Ministry na sa kauna-unahang pagkakataon, nakapagtala ng mga nasawi bunsod ng Suffocation at Intense Stampede ng mga tao sa Aid Distribution Centre.
Sa naunang Statement, sinabi ng Gaza Humanitarian Foundation na labinsiyam sa mga biktima ay natapakan dahil sa Stampede habang isa pa ang sinaksak sa gitna ng kaguluhan.
Inihayag din ng GHF na nakakita sila ng iba’t ibang armas sa pulutong ng mga tao at isa sa kanilang US Contractors ay binantaan sa pamamagitan ng baril.