MAHIGIT isandaan tatlumpu’t apat na libong indibidwal ang naapektuhan ng Tropical Depression Wilma at ng Shear Line, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Katumbas ito ng 44,378 families mula sa 347 barangays sa pitong rehiyon.
ALSO READ:
Kinabibilangan itong Bicol Region, Western Visayas, Negros Island, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, at Caraga Region.
Sa report ng DSWD, 14,930 individuals o 4,663 families ang nasa 64 evacuation centers habang mahigit tatlundaang pamilya ang nakikituloy sa mga kaibigan o kamag-anak.
Aabot naman sa 1.7 million pesos ang halaga ng tulong na naipamahagi na ng DSWD sa mga apektadong lugar.




