MAHIGIT isandaan libong trabaho ang iaalok sa nationwide job fairs ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Independence Day, bukas.
Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na mayroong 106,298 local vacancies at 5,165 overseas spots na alok ang mahigit isanlibong employers.
ALSO READ:
DepEd, tiniyak ang paghihigpit sa SHS Voucher Program
DSWD, balik na sa pag-iisyu ng Guarantee Letters
Jan. 9, idineklarang Special Non-Working Day sa Maynila; Gun Ban, ipatutupad sa lungsod simula Jan. 8 hanggang 10 kaugnay ng pista ng Nazareno
Alert Level 3, itinaas sa Mayon Volcano; mga residente sa 3 barangay sa Camalig, sisimulan nang ilikas
Inaasahan din ni Laguesma na madaragdagan pa ang bilang ng mga lalahok na employers para madagdagan din ang mga alok na trabaho.
Kabilang sa top vacancies ay production workers o operators, customer service representatives, cashiers, baggers, sales clerks, laborers, carpenters, painters, service crews, cooks, waiters, at servers.
