NAKIPAGPULONG si Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy sa mga Punong Barangay sa Upper and Lower Happy Valley upang pag-usapan ang mahahalagang isyu na nakaaapekto sa kanilang mga komunidad.
Sumentro ang pulong sa estado ng daycare workers, Barangay Nutrition Scholars (BNS), Barangay Health Workers (BHW), pati na compliance o pagtalima sa Barangay Drug Clearing Program.
ALSO READ:
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Tiniyak ni Mayor Mon sa meeting ang kanyang commitment na maihatid ang mahahalagang serbisyo sa grassroots level.
Sa pamamagitan ng direktang pakikipag-ugnayan sa barangay leaders, layunin ng alkalde na matugunan ang mga problema, magbigay ng suporta, at magarantiyahan ang kapakanan ng mga residente.
