22 April 2025
Calbayog City
Local

Libreng pabahay, itatayo para sa 30 dating mga rebelde sa Matuguinao, Samar

NASA tatlumpung dating miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Matuguinao, Samar ang magkakaroon ng sarili nilang bahay sa pamamagitan ng “Saad Nga Balay” Program.

Ayon kay Mayor Aran Boller, ongoing na ang site preparation matapos ang groundbreaking noong June 19.

Ang proyekto na matatagpuan sa sentro ng bayan, ay pinondohan ng Samar Provincial Government.

Bawat bahay na mayroong 49-square meter lot area at may semi-concrete design ay gagastusan ng 250,000 pesos.

Ang “Saad Nga Balay” Housing Project ay binuo ni Brig. Gen. Lenart Lelina, Commander ng 801st Infantry Brigade ng Philippine Army, at unang ipinatupad sa bayan ng San Jose De Buan.

Bukod sa housing assistance, ang mga dating rebelde ay sumailalim din ng skills training, kabilang ang education and community  development programs habang hinihintay na makumpleto at mai-turnover ang mga pabahay.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).