20 August 2025
Calbayog City
Local

Mahahalagang ordinansa, pinagtibay ng Calbayog City Council

PINAGTIBAY ng Calbayog City Council, kamakailan, ang mahalagang ordinansa, kabilang ang pag-adjust sa Land Re-zoning Ordinance para ma-align sa bagong Land Use Plan ng lungsod.

Pinalawak din ang Public Transportation sa pamamagitan ng pag-apruba sa labimpitong mga prangkisa para sa Motorized Cabs.

Para suportahan ang Local Governance, ilang Barangay at Sangguniang Kabataan Budgets ang ipinasa, para pondohan ang Community at Youth Projects.

Ipinagdiwang din ng Konseho ang Grand Slam Victory ng Hadang Festival sa pamamagitan ng pormal na komendasyon at sinuportahan ang tradisyunal na kapistahan sa pamamagitan ng pag-eendorso ng dalawang Cockfighting Permits para sa dalawang barangay.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).