TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na babawasan na ng pamahalaan ang Subsidiya sa ‘Benteng Bigas Meron!’ Program o ang P20 kada kilo ng bigas na ibinibenta sa mga piling lugar sa bansa.
Ayon kay Pangulong Marcos, naabot na ng pamahalaan ang Sustainability sa naturang Subsidiya.
ALSO READ:
Goitia: Paratang ni Imee Walang Ebidensya, Puro Ingay Lang
Presyo ng mga produktong petrolyo, tumaas ng mahigit piso kada litro ngayong Martes
Bersamin at Pangandaman, nagbitiw sa gabinete dahil sa delicadeza; Recto, itinalagang executive secretary; Toledo bilang budget OIC
INC, tinapos na ang kanilang rally laban sa korapsyon sa Luneta
Habang gumaganda aniya ang produksyon ng palay, inaasahan namang baba ng bababa ang Subsidiyang gobyerno sa naturang programa.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang magandang Rice Output ng mga magsasaka sa nakalipas na tatlong taon pati na ang dumadaming Equipment Distribution at pinaigting na Crackdown laban sa Smuggling at Hoarding ang dahilan kung kaya nakakaya ng pamahalaan na magbenta ng murang bigas.
