MAGTATAYO ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng 172.14 million pesos na Innovation Center sa Tacloban City na popondohan ng Asian Development Bank (ADB).
Ito ay para makapag-prodyus ng mas maraming Skilled Workers sa rehiyon ng Eastern Visayas.
ALSO READ:
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
11th Local School Board Meeting sa Calbayog City, tumutok sa Sports Development at Youth Empowerment
Northern at Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Uwan
Ang pasilidad ay idinisenyo para mapagbuti ang Technical-Vocational Skills Development sa Welding, Steel Fabrication, at Farm Mechanization.
Matatagpuan ito sa loob ng TESDA Regional Office complex at inaasahang matatapos sa September 2026.
Sinabi ni TESDA Director General Jose Francisco Benitez na hindi lamang Groundbreaking ang kanilang ginawa, kundi inilatag nila ang pundasyon na magpapalakas sa Technical and Vocational Education sa Eastern Visayas.
