LUMAKAS ang kampanya ng Magnolia Hotshots para sa Quarterfinals Bonus, matapos padapain ang NLEX Road Warriors sa score na 98-82, sa Ynares Center sa Montalban, Rizal, kagabi.
Pinangunahan ni Zav Lucero ang Magnolia sa pamamagitan ng 18 points, 12 rebounds, two assists, two steals, at two blocks.
ALSO READ:
Pinoy jet ski racers, nakasungkit ng medalya sa WGP-1 Waterjet World Cup 2025 sa Thailand
Tim Cone, pinuri ang teams ng Gilas Men and Women sa nakamit na tagumpay sa SEA Games
Team Philippines, naging matagumpay pa rin sa paglahok sa SEA Games kahit kinapos sa target
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Nag-ambag naman sina Rome Dela Rosa at Mark Barroca ng 14 points at 12 points, gayundin sina James Laput at Chris Koon na may tig-11 points at Ian Sangalang na nagdagdag ng 10 points.
Dahil dito, umakyat ang record ng Magnolia sa 6-3, kapareho ng sa Road Warriors, para sa PBA Season 50 Philippine Cup.
