PATAY ang pitumpu’t tatlong taong gulang na lola at kanyang dalawampu’t isang taong gulang na apong babae, sa sunog na sumiklab sa Barangay Alang-Alang sa Borongan City, Eastern Samar, sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Uwan.
Ayon sa Borongan City Fire Station, sa pamumuno ni Fire Chief Inspector Victor Ygbuhay, ala una y medya ng madaling araw, kahapon nang matanggap nila ang Report tungkol sa sunog.
Official selection ng CSO representatives, idinaos sa Calbayog City
Mahigit 3,700 na kabahayan sa Eastern Visayas, napinsala ng magkasunod na Bagyong Tino at Uwan
Illegal quarry materials, nasabat sa Brgy. Anislag, Calbayog City, Samar
Mahigit 600 silid-aralan, sinira ng Bagyong Uwan sa Eastern Visayas – DepEd
Natagpuan ang dalawang biktima na walang malay mula sa loob ng nasusunog na dalawang palapag na bahay, kaya’t mabilis silang inilabas ng mga bumbero at isinugod sa pinakamalapit na ospital, subalit hindi na sila naisalba.
Nagsimula umano ang sunog sa kwarto kung saan natagpuan ang mag-lola.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pinagmulan ng sunog, bagaman napabayaang kandila ang isa sa mga posibleng dahilan ng insidente.
