9 September 2025
Calbayog City
National

Mag-asawang Discaya, pinangalanan ang mga kongresista at iba pang mga opisyal na nakinabang sa umano’y maanomalyang Flood Control Projects.

PINANGALANAN ni Pacifico Discaya, may-ari ng St. Gerard General Contractor and Development Corporation ang ilang mga kongresista, opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at iba pang indibidwal na tumatanggap ng komisyon sa kanilang mga proyekto. 

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Discaya na hinihingan sila ng porsyentong hindi bababa sa 10 percent at umaabot pa sa 25% na naging kondisyon upang hindi maipit ang implementasyon ng kanilang mga kontrata. 

Ito anya ay binibigay nila ng cash at ang bawat transaksyon ay may karampatang Voucher at Ledger na nagsasaad ng mga araw at kung kailan nila ito natanggap.  

Ilan anya sa mga ito ay sina: 

Terrence Calatrava, Former Undersecretary of Office of the Presidential Assistant to the Visayas

Cong. Roman Romulo of Pasig City

Cong. Jojo Ang, USWAG Ilonggo Partylist

Congressman Patrick Michael Vargas ng Quezon City

Cong. Juan Carlos Arjo Atayde ng Quezon City

Cong. Nicanor Nikki Briones ng AGAP Partylist

Congressman Marcelino Marcy Teodoro ng Marikina

Congressman Florida Robes ng San Jose Del Monte, Bulacan

Congressman Leandro Jesus Madrona ng Romblon

Congressman Benjamin Benjie Agarao, Jr.

Congressman Florencio Gabriel Bem Noel ng An Waray, Partylist

Cong. Leody Ode Tariela ng Occidental Mindoro

Congressman Reynante Reynan Arogancia ng Quezon City

Cong. Marvin Rillo ng Quezon City

Cong. Teodoro Jaresco ng Aklan

Cong. Antonieta Yudela ng Zamboanga Sibugay

Cong. Dean Asistio ng Caloocan

Cong. Marivic Copilar ng Quezon City

Mayroon din anyang mga kinatawan ng ilang pulitiko na nakikipagtagpo sa kanila upang manghingi ng porsyento kapalit ng 25 porsyento ng mga proyekto. Ilan anya sa kanila ay sina:

Regional Director Eduardo Virgilio ng DPWH Region 5

Director Ramon Ariola III ng Unified Management UPMO

District Engineer Henry Alcantara, DPWH Bulacan First

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).