NAGTALA ng kasaysayan sa NBA ang mag-amang Lebron at Bronny James makaraang maglaro sa unang pagkakataon sa preseason game ng Los Angeles Lakers laban sa Phoenix Suns.
Sina Lebron at Bronny ang unang father and son na naglaro sa alinmang NBA Game ng magkasama sa isang koponan.
ALSO READ:
Pagsasaayos sa mga kalsada sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex natapos na ng DPWH
Alex Eala at Iva Jovic, pinadapa sina Venus Williams at Elina Svitolina sa ASB Classic Doubles Opener
Alex Eala, binigyang ng Wildcard slot sa 2026 Philippine Women’s Open
Pilipinas, magsisilbing host ng unang SEA Plus Youth Games sa 2028
Nagkataon pa na nangyari ang remarkable moment ng James Family, kasabay ng 20th birthday ni Broddy.
Pumasok ang nakababatang James sa laro bilang substitute sa pagsisimula ng second quarter, para makasama ang kanyang ama sa court ng Acrisure Arena, sa Coachella Valley.
