PINADAPA ng tambalan nina Alex Eala at Iva Jovic sa score na 7-6 (7), 6-1 ang tandem nina Venus Williams at Elina Svitolina sa Round 16 ng ASB Classic Women’s Doubles, sa New Zealand.
Pinatalsik ng bente anyos na Pinay at disi-otso anyos na American ang veteran duo na 45-year-old na si Williams at 31-year-old na si Svitolina na kasalukuyang World No. 13.
ALSO READ:
Akari, kumuha ng 3 bagong players bago ang PVL All-Filipino Conference
Pinay Tennis Star Alex Eala, naabot ang Career-High No. 49 matapos ang pagsabak sa ASB Classic
Rizal Memorial Tennis CENTER, sasailalim sa testing bago ang Philippine Women’s Open
Alex Eala, aabante sa ASB Classic Quarterfinals matapos patalsikin ang 1 pang Croatian ace
Natakasan ng Filipina-American pair ang mahigpit na Opening Set bago nadomina ang sumunod na frame para tuluyang paalisin sina Williams at Svitolina mula sa doubles action.
Hihintayin pa nina Eala at Jovic kung sino sa tambalang Asia Muhammad at Erin Routliffe o Jesika Maleckova at Renata Zarazua ang susunod nilang makakalaban.
