MATAPOS grumadweyt ng Bachelor of Arts Major in Communications Arts mula sa Philippine Women’s University (PWU) sa Maynila noong 2022, ibinahagi ni Ruffa Gutierrez sa social media na babalik siya sa pag-aaral para sa Masteral Program sa naturang unibersidad.
Sa kanyang Instagram post, inilarawan ni Ruffa ang nararamdaman na maging estudyante ulit sa edad na 51.
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Dennis Trillo, ipinagtanggol ang misis na si Jennylyn Mercado sa gitna ng umano’y hindi pagkakasundo sa mga biyenan
Aniya, inspirado siya sa pagbabalik ng kanyang passion na matuto, at hindi pa huli para pindutin ang restart button.
2021 nang unang ihayag ng aktres ang kanyang desisyon na kumuha muli ng degree matapos ang tatlumpu’t apat na taon.
2022 naman nang ibahagi niya ang kanyang academic achievement matapos grumadweyt sa ilalim ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program sa PWU.
