Pangungunahan ni Mayor Raymund “Monmon” Uy ang paglulunsad ng “Mabulig Calbayog” bukas, Oct. 1, sa pagsisimula ng dalawang linggong pagdiriwang ng Calbayog Charter Day Anniversary.
Hango sa salitang waray na “bulig” na ang ibig sabihin ay “tulong,” ang Mabulig Calbayog ay adbokasiya kung saan makikita ang diwa ng bayanihan ng mga Pilipino.
Calbayog City, pinagtibay ang Commitment para mapangalagaan ang kalusugan ng mga residente
Anti-Insurgency Projects, nakumpleto na sa Sogod, Southern Leyte
Mahigit 20 dating miyembro ng NPA, nakumpleto ang Skills Training sa Northern Samar
Publiko, binalaan laban sa pekeng Tower at Satellite CONNECTION Deals
Isa itong panawagan na salig sa hangarin ni Mayor Mon na makiisa ang komunidad, kasabay ng pagbibigay diin na ang pamumuno ay magkakatuwang na responsibilidad.
Magsisimula ang pagdiriwang bukas sa pamamagitan ng motorcade, na susundan ng pagbubukas ng programa sa Calbayog Sports Center, kung saan gaganapin ang Serbisyo Caravan na may layuning ilapit pa ang mga programa ng lokal na pamahalaan sa taumbayan.
Ilulunsad din ang Mabulig campaign sa Oquendo District sa Miyerkules habang sa Huwebes naman sa Tinambacan District, na kapwa magkakaroon ng Serbisyo Caravan.
