22 November 2024
Calbayog City
National

Pagbili ng 600,000 na bakuna kontra ASF, target makumpleto ng Agriculture Department sa Disyembre

INAASAHAN ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na makukumpleto ng pamahalaan ang pagbili ng 600,000 doses ng African Swine Fever (ASF) vaccines pagsapit ng Disyembre ngayong taon.

Sinabi ni Tiu Laurel na matatapos na ang pagbabakuna sa unang 10,000 doses sa katapusan ng Setyembre habang i-a-award ang susunod na 450,000 doses sa October 10, kasama ang delivery ng 150,000 doses sa susunod na buwan.

Agosto nang simulan ng pamahalaan ang controlled trial ng ASF Vaccine na gawa ng Vietnam, bilang bahagi ng hakbang na mapigilan ang paglaganap ng sakit sa mga baboy. 

Naglaan ang DA ng 350 million pesos para sa procurement ng 600,000 doses ng ASF vaccine para sa naturang trial.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).