13 October 2025
Calbayog City
Province

6 na magkakapamilya na maki-fiesta sana sa Bicol, nasawi sa karambola sa Lopez, Quezon

magkakapamilya

Binawian ng buhay ang 6 na magkakapamilya sa karambola ng 3 sasakyan sa Maharlika Highway sa Lopez, Quezon nitong Miyerkules ng madaling-araw. 

Kabilang sa mga nasawi ang 2 menor de edad habang 3 ang sugatan sa aksidente. 

Ayon sa report ng Lopez police, kabilang sa sangkot na sasakyan ang isang three-wheeled motorcycle o toktok, isang cargo truck at isang pampasaherong bus.

Lumalabas sa imbestigasyon na patungo sa Libon, Albay ang toktok tricycle na may 9 na sakay at nakahinto sa ginagawang bahagi ng highway nang tumama sa likod nito ang kasunod na truck pasado alas-2 ng madaling-araw. 

Sa lakas ng pagsalpok, naitulak ang toktok patungo sa kabilang lane, kung saan ito bumangga sa kasalubong na bus.

Nagresulta ito sa pagkasunog ng toktok. Kasamang natupok ang 4 na sakay nito, kabilang ang 2 lalaking menor de edad na idineklarang dead on the spot.

Nadamay sa pagkasunog ang bus, samantalang nahulog naman sa kanal sa gilid ng highway ang truck.

Napag-alaman na may baon na gasolina ang driver ng toktok, na siyang pinagmulan ng sunog.

jay-r narit

Author
JR Narit is a dedicated newsman hailing from Quezon Province. He began his career in the broadcast industry as a field reporter for DZAR under Sonshine Media Network Incorporated (SMNI). His talent and commitment soon led him to television, where he worked as a producer and correspondent for the Global News Network (GNN). Currently, JR covers the Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, and Quezon (CALABARZON) beat for Infinite Radio Calbayog & IRTV3.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *