Bilang pagpapaigting sa mga ikinakasang operasyon bumili ang Land Transportation Office (LTO) ng 23 brand-new na hybrid multi-purpose vehicles (MPVs).
Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, pormal nang nai-turnover ng Toyota ang mga bagong sasakyan na gagamitin ng LTO sa mga operasyon nito.
Hybrid MPVs ang binili ng ahensya bilang pagsusulong din sa fuel efficiency at makabawas sa emissions.
Pagsunod din ito sa mandato ng pamahalaan na nag-aatas sa mga ahensya ng gobyerno na dapat at least fiver percent ng government fleet ay electric o hybrid na sasakyan.