6 December 2025
Calbayog City
Local

Linya ng kuryente sa Eastern Visayas, naapektuhan matapos mapinsala ang Grid Facilities kasunod ng malakas na lindol sa Cebu

NAWALAN ng supply ng kuryente ang mga lalawigan ng Biliran, Eastern Samar, Northern Samar, at Leyte, habang bumagal ang Internet Services, matapos mapinsala ang Transmission Facilities, kasunod ng Magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Bogo City sa Cebu, noong Martes ng gabi.

Nagbukas din ang iba’t ibang Local Governments, kabilang ang Paranas sa Samar at mga lungsod ng Baybay at Tacloban sa Leyte, ng Charging Stations para sa Mobile Phones upang makatulong sa mga residente.

Sa Report ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), 27 sa kanilang Power Plants ang nagtamo ng pinsala, na nagresulta ng 1,444.1 Megawatts Loss mula sa Visayas Grid.

Agad namang nagsagawa ang Local Government Units ng Rapid Damage Assessment.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).