LIMA katao ang nasawi sa pagsabog sa isang minahan sa Northern Spain.
Nangyari ang pagsabog sa Cerredo Mine sa Degaña, Asturias, 450 kilometers North-West ng Madrid.
Mayroon ding apat na iba pa na nasugatan, habang natagpuan na ang dalawa na unang napaulat na nawawala.
Ayon sa Asturian spokesperson, binigyan ng permiso ang mga minero para maghukay ng minerals para gawing graphite.
Hindi pa malinaw ang eksaktong bilang ng mga nasa minahan nang mangyari ang pagsabog.