ISANG matandang lalaki ang patay matapos mabagsakan ng puno ang kanyang kubo sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Tino sa MacArthur, Leyte, Martes ng madaling araw.
Kinilala lamang ng pulisya ang nasawi bilang “Max,” pitumpu’t walong taong gulang, biyudo, at residente ng Barangay Romualdez, sa naturang bayan.
ALSO READ:
Official selection ng CSO representatives, idinaos sa Calbayog City
Mahigit 3,700 na kabahayan sa Eastern Visayas, napinsala ng magkasunod na Bagyong Tino at Uwan
Illegal quarry materials, nasabat sa Brgy. Anislag, Calbayog City, Samar
Mahigit 600 silid-aralan, sinira ng Bagyong Uwan sa Eastern Visayas – DepEd
Batay sa Report, isang barangay kagawad ang personal na nagtungo sa MacArthur Municipal Police Station, para i-report na natagpuang walang buhay ang biktima sa loob kubo nito na tinamaan ng nabuwal na puno.
Ayon sa pamangkin ng nasawi, magkakasama sila sa kanilang bahay subalit lumabas ang kanyang tiyuhin, dakong alas diyes ng gabi noong Lunes, sa kabila ng kanyang payo na tumuloy ito sa kalapit na Evacuation Center.
