IDINEPLOY ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Eastern Visayas ang kanilang Mobile Command Center (MCC) sa Southern Leyte bilang bahagi ng kanilang Response Operations para sa Bagyong Tino.
Ayon kay DSWD Eastern Visayas Regional Director Grace Subong, ang MCC ay kabilang sa Key Communication Assets ng ahensya na mayroong Generator, Wireless Radio, at iba pang Communication Tools.
3 miyembro ng NPA, patay sa panibagong engkwentro sa Leyte
DepEd Calbayog Stakeholders’ Summit, gaganapin sa Biyernes; magwawagi sa appreciation video, tatanggap ng 20,000 pesos
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
Layunin ng Deployment na palakasin ang Communication Capabilities sa lalawigan at pabilisin ang pangongolekta ng mahahalagang impormasyon, gaya ng bilang ng mga apektadong pamilya, at mga agarang kailangan sa lugar.
Sinabi ni Subong na patuloy ang koordinasyon ng DSWD Regional Office sa Local Government Units sa Southern Leyte at sa iba pang lalawigan para i-assess ang lawak ng pinsala at matukoy ang kinakailangang Augmentation Support. Unang nag-landfall ang Bagyong Tino sa Silago, Southern Leyte, alas dose ng madaling araw ng Martes.
