ITINURNOVER na ang labi ni Dating Public Works Secretary Maria Catalina “Cathy” Cabral sa kanyang mga kaanak.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Brig. Gen. Randulf Tuaño, ni-release ang bangkay ng dating DPWH official sa pamilya nito noong Sabado ng gabi.
ICC Pre-Trial Chamber, posibleng desisyunan ang Fitness to Stand Trial ni FPRRD sa Enero
Antipolo Rep. Romeo Acop, pumanaw sa edad na 78
Mga biyahero, dagsa na sa PITX, ilang araw bago ang Pasko; 100,000 pulis, magbabantay sa transport hubs sa gitna ng Christmas at New Year Exodus
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Unang natagpuan ang walang buhay na katawan ni Cabral sa ibaba ng Kennon Road sa lalawigan ng Benguet matapos umanong mahulog sa mabatong bahagi ng bangin.
Inihayag naman ni PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na matapos makumpirma ang pagkamatay ni Cabral, sunod nilang iimbestigahan ang driver ng opisyal na si Ricardo Muñoz Hernandez.
Ang driver ni Cabral ang unang nag-report sa mga pulis na nawawala ang kanyang amo, dakong ala singko ng hapon noong Huwebes, dalawang oras matapos niya itong iwan sa gilid ng Kennon Road, sa Tuba, Benguet.
