HANDA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isapubliko ang kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) sa “Proper Authority” at alinsunod sa proseso na inilatag ng Ombudsman.
Tugon ito ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro, matapos hingian ng paglilinaw sa Statement ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi nila pinapayagan ang “Indiscriminate Freedom” sa pag-access ng SALNs ng Cabinet Officials at ng mismong pangulo, dahil sa Potential Security Risks.
Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon
ICC Pre-Trial Chamber, posibleng desisyunan ang Fitness to Stand Trial ni FPRRD sa Enero
Antipolo Rep. Romeo Acop, pumanaw sa edad na 78
Labi ni Catalina Cabral, itinurnover na sa kanyang pamilya – PNP
Sinabi ni Castro na lahat ng Request para sa SALN ay pagbibigyan, subalit may partikular na Guidelines na ibinigay ang Ombudsman.
Noong Sabado ay inihayag ni Bersamin na mayroong mga panuntunan sa dapat sundin sa pag-release ng SALNs, kasabay ng pagbibigay diin na hindi tumatanggi ang malakanyang subalit nais lamang makontrol kung sino ang maaring maka-assess nito.
Idinagdag ng executive secretary na batay sa Existing Rules, ang sinuman na may gustong ma-access ang SALN ng opisyal ng gobyerno ay kailangang magbigay ng magandang dahilan.
