8 July 2024
Calbayog City
Entertainment

Kris Aquino, inaming malala na ang kanyang kalagayan

MALUNGKOT na ibinahagi ng TV-Host Aktres na si Kris Aquino na malala na ang kanyang kalagayan at anumang oras ay maaring huminto ang tibok ng kanyang puso.

Ginawa ni Kris ang anunsyo sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda, kahapon, nang makapanayam siya via zoom ng host at matalik nitong kaibigan na si Boy Abunda.

Ang muling pagharap ni Kris sa camera ay kasabay ng pagdiriwang niya ng ika-limampu’t tatlong kaarawan.

Sinabi ng Queen of Talk na mayroon siyang panglima na autoimmune condition.

Napakababa aniya ng kanyang hemoglobin at fluctuating ang kanyang blood pressure.

Nagsisimula na aniya ang pamamaga ng kanyang tuhod at mga buto-butong naglalabasan.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *