27 April 2025
Calbayog City
Sports

Training facilities para sa E-Sports, planong itayo sa Pilipinas

INANUNSYO ng Philippine E-Sports Organization ang planong pagtatayo ng training facilities para sa e-sports athletes.

Bunsod ito ng patuloy na paglawak ng naturang industriya  sa International Arena.

Sinabi ni Executive Director Marlon Marcelo, na mahigpit na nakikipag-ugnayan ang kanilang organisasyon sa Philippine Sports Commission kung paano makalilikha ng E-Sports Facility.

Bagaman, gumagawa na aniya ng pangalan ang E-Sports Athletes ng bansa at nananalo na ng mga medalya ay wala pa rin silang training facilities.

Naniniwala si Marcelo na kapag nagkaroon na ng sariling training facility ang Pilipinas ay lalong makakapag-focus ang mga atleta, na ang kapalit ay mga medalya.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *