IBINASURA ng Korte sa Tacloban ang bail request ng mamamahayag na si Frenchie Mae Cumpio at kanyang co-accused na si Mariel Domequil, na kapwa pinatawan ng guilty sa terror financing noong Enero.
Batay sa desisyon ni Tacloban Regional Trial Court Presiding Judge Georgina Uy Perez, tinukoy ang posibilidad na ipagpatuloy ng dalawa ang pagbibigay ng suporta para sa terrorist activities.
Nakasaad din sa desisyon ang posibilidad na tumakas ang mga akusado at gamitin ang kanilang mga koneksyon upang matakasan ang execution of judgement.
Si Cumpio na isang community journalist at radio broadcaster ang kauna-unang Pilipinang mamamahayag na nililitis sa ilalim ng Terror Financing Laws.




