LUBHANG mas malaki ang korapsyon sa Flood Control Projects kumpara sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) Scam na kinasangkutan ni Janet Lim Napoles, mahigit isang dekada na ang nakalipas.
Pahayag ito ni Public Works Secretary Vince Dizon, kasabay ng pagbibigay diin na kailangang managot ang bawat indibidwal na sangkot sa maanomalyang mga proyekto na tinawag niyang Corruption Syndicate.
Goitia: Paratang ni Imee Walang Ebidensya, Puro Ingay Lang
Presyo ng mga produktong petrolyo, tumaas ng mahigit piso kada litro ngayong Martes
Bersamin at Pangandaman, nagbitiw sa gabinete dahil sa delicadeza; Recto, itinalagang executive secretary; Toledo bilang budget OIC
INC, tinapos na ang kanilang rally laban sa korapsyon sa Luneta
Inamin ni Dizon na nalula siya sa talamak na korapsyon na nakita niya sa loob ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Aminado rin ang kalihim na mahirap at matatagalan bago niya tuluyang malinis ang ahensya.
Idinagdag ni Dizon na hindi niya kakayaning mag isa ang hamon, kaya kakailangan niya ang tulong ng iba, para malutas ang problema na tumagal na ng ilang dekada.
