NAPILITAN ang mga pasahero na bibiyahe patungong mga probinsya para sa holidays na mag-book sa mas malayong destinasyon.
Ito ay dahil karamihan ng mga ruta sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ay fully booked na bago ang araw ng Pasko.
As of 6 P.M. kagabi, 172,000 passengers ang dumaan sa PITX, na kapansin-pansin ang pagdagsa ng mga biyahero, sa bandang hapon.
May mga pasahero na nag-book patungong Ormoc City sa Leyte, matapos malaman na fully booked na ang mga biyahe patungong Tacloban City.
Ang biyahe ng bus mula sa PITX patungong Tacloban ay karaniwang inaabot ng 24 hanggang 30 hours, depende sa traffic, ferry schedules, at kondisyon ng dagat.
Ang Ormoc City naman ay nasa kanlurang bahagi ng Leyte, ay mas malayo ng isa’t kalahati hanggang dalawang oras mula sa Tacloban.
Mula Dec. 19 hanggang 22, halos 800,000 passengers na ang dumaan sa PITX.




