25 April 2025
Calbayog City
Local

Karagdagang hakbang, babalangkasin kasunod ng pagkamatay ng “translocated” eagle sa Leyte

translocated philippine eagle uswag

Bumabalangkas ang mga awtoridad ng mga hakbang upang maiwasan ang pagkamatay ng iba pang translocated Philippine eagles sa kabugatan ng Leyte.

Ayon kay Father Calvin Bugho, Media Coordinator ng Rotary Club of Central Tacloban, ang pagkamatay ni “Uswag” ay nagsilbing leksyon para tiyakin ang kaligtasan ng mga agilang pakakawalan sa bago nilang tahanan.

Sinabi ni Bugho na nakikipag-ugnayan ang kanilang grupo sa Philippine Eagle Foundation (PEF) para humanap ng mga paraan upang maka-adapt ang mga agila sa bagong kapaligiran.

Isa aniya sa napagkasunduan nilang hakbang ay hingin ang tulong ng coastal communities na i-report sa mag awtoridad kapag may namataan silang agila sa karagatan.

Inihayag ni Dr. Jay Ibañez, PEF Director for Operations, na huling na-monitor ang tatlong taong gulang na lalaking agila na si Uswag noong July 30.

Makalipas ang search operations ay namataan ang bangkay ng agila na palutang-lutang sa dagat sa Baybay City.

Tinangay ng agos ang labi ni Uswag  sa baybayin ng Pilar, sa Camotes Island sa Cebu at narekober ito noong Aug. 3.

Si “Uswag” kasama ang isa pang agila na si “Carlito” ay pinakawalan noong June 28 sa kagubatan ng Anonang-Lobi sa barangay Kagbana, sa Burauen, Leyte.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).