Tumaas ng 33 percent ang dengue cases sa bansa sa unang pitong buwan ng 2024, ayon sa Department of Health (DOH).
Sa tala ng ahensya, simula January 1 hanggang July 27, 128,834 ang tinamaan ng dengue, mas mataas kumpara sa 97,211 na nagkasakit, sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
ALSO READ:
VP Sara Duterte, no comment sa impeachment complaint vs PBBM
Kontra salaysay ni Sen. Villanueva sa reklamong malversation hindi pa naisusumite sa DOJ
Dating Sen. Bong Revilla, hindi bibigyan ng special treatment sa selda
Bilang ng pamilyang Pinoy na nagsabing sila ay mahirap, bumaba noong 4th quarter ng 2025, ayon sa survey
Gayunman, sa kabila ng paglobo ng mga kaso ay bumaba sa 337 ang bilang ng mga nasawi dahil sa dengue mula sa 378 noong 2023.
Inihayag ng DOH na ang pagbaba ng death count sa unang pitong buwan ng taon ay bunsod ng pagkukusa ng publiko na magpakonsulta ng maaga at bumuting pangangasiwa ng mga ospital.
