Humingi ng tawad si Angelica Yulo sa kanyang two-time olympic gold medalist na anak na si Carlos Yulo, makaraang ibunyag nito ang alitan nilang mag-ina na pumukaw ng atensyon sa online.
Sa statement, binigyang diin ng ginang na hindi siya perpektong ina at walang perpektong pamilya, bagaman wala aniyang hangad ang isang ina kundi ang ikabubuti ng kanyang anak.
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, maari nang i-deport ng US, ayon kay Ombudsman Remulla
Atong Ang, Number 1 Most Wanted sa bansa ayon sa DILG; Red Notice laban sa negosyante, ihihirit ng pamahalaan
Nag-sorry din si Angelica sa mga isyu nito sa girlfriend ni Carlos na si Chloe San Jose, sa pagsasabing kung mali man ang naging pagpuna niya ay humihingi siya ng patawad dahil nanay lamang siya na nag-aalala.
Humingi rin ng kapatawaran si ginang Yulo sa sambayanan sa mga nasabi niya sa interview, dahil pagod aniya siya at puyat sa kapapanood sa kanyang anak nang mga panahong iyon, at hindi siya nakatulog sa labis na tuwa.
Kasunod ng paghingi ng tawad ay nakiusap si Angelica sa anak na magkaayos na silang mag-ina at bumalik ito sa kanilang pamilya, kasabay ng pagsasabing bukas ang pintuan ng kanilang tahanan at tatanggapin nila si Caloy, may pera man ito o wala.
