NAGHAIN na ng apela ang kampo ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court o ICC kaugnay sa naging Ruling nito sa kinukwestyong hurisdiksyon sa kaso ng dating pangulo.
Nais ng kampo ni Duterte na baligtarin ng ICC ang naging pasya nito.
ALSO READ:
200K Units ng popular na Herbal Inhaler sa Thailand, pinare-recall sa merkado dahil sa Microbial Contamination
NAIA, may paalala sa mga biyahero ngayong Undas
ICI, inirekomendang kasuhan sina Senators Villanueva at Estrada, Dating Cong. Zaldy Co, at iba pang mga personalidad
Dating Ombudsman Samuel Martires, itinangging nagkaroon ng Midnight Appointments
Sa apat na pahinang Notice of Appeal, iginiit ng Legal team ng dating Pangulo na walang Legal Basis para ituloy ng ICC ang Proceedings.
Hiniling din ng kampo ni Duterte na na ipag-utos ng Chamber ang Unconditional Release ni FPRRD.
Magugunitang ibinasura lamang ng Korte ang petisyon ng panig ng depensa na kumukwestyon sa hurisdiksyon ng ICC.
