DALAWANG buwan makalipas ang Streaming Debut, binasag ng “K-Pop Demon Hunters” ang Record ng “Red Notice” bilang Most-Watched Film sa Netflix.
Ayon sa Streaming Service, hanggang kahapon ay nakakuha ang Animated Film ng mahigit 236 million views, dahilan para opisyal na ideklara ang “K-Pop Demon Hunters” bilang Most Popular Netflix Film of All Time.
Gumawa rin ng matatag na Appearance sa Billboard Hot 100 Charts at UK Official Singles Chart ang Soundtrack ng pelikula.
Kabilang na rito ang Smash Hit na “Golden” at iba pang Chart-Topping Singles, gaya ng “Soda Pop,” “Your Idol,” “Take Down,” “How It’s Done,” “Free” at “What It Sounds Like.”




