PINAKILIG ng ex-couple na sina Katrina Halili at Kris Lawrence ang kanilang fans matapos ang sunod-sunod na TikTok videos nitong mga nakalipas na araw, na tila pahiwatig ng posibleng romantic reconnection.
Batid ng publiko ang kanilang co-parenting sa anak na si Katie, sa kabila ng breakup nila noong 2014, subalit hindi naiwasan ng fans na mag-usisa tungkol sa kanilang current relationship status.
Sa mga nagdaang araw ay nag-post sina Katrina at Kris ng popular dance trends sa TikTok at may mga livestreams din na magkasama sila, kung saan kumanta sila ilang duets ng romantic songs.
Ang kanilang videos ay umaani ng 1 to 3 million views.
Wala namang sinasabi sina Katrina at Kris sa publiko tungkol sa kanilang pagbabalikan, maliban sa kanilang mga TikTok collaboration.




