NAGBABALA ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng mataas na posibilidad ng landslides at pagbaha sa 1,454 barangays sa Eastern Visayas bunsod ng Bagyong Basyang.
Sa kabuuang bilang, 1,018 barangays ang highly susceptible sa flooding habang 436 ang mayroong mataas na posibilidad na makaranas ng landslides dahil sa pag-ulan.
ALSO READ:
P200K reward, inilabas para mahuli ang sundalong bumaril sa DPWH engineer sa Samar
4-day onsite work arrangement at energy conservation protocols, tinalakay sa pulong ng Calbayog LGU
Bagong rehabilitation center, binuksan sa Albuera, Leyte
DSWD-8, naghahanda para sa 3.49 billion pesos na social pension ng senior citizens
Ayon sa mgb, 155 ng highly landslide-prone communities ay sa Southern Leyte; 139 sa Leyte; 67 sa Eastern Samar; 62 sa Northern Samar; walo sa Biliran, at lima sa Samar.
Para sa mga barangay na mayroong mataas na posibilidad na bahain, 323 ay sa Eastern Samar; 293 sa Leyte; 185 sa Northern Samar; 88 sa Samar; 88 sa Southern Leyte; at 41 sa Biliran.
