Nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI) na wala pang pinal na desisyon sa panukalang payagan ang mga sari-sari store na makapagbenta ng over-the-counter na mga gamot.
Pahayag ito ng DTI makaraang magpahayag ng pagkabahala ang pharmaceutical at healthcare sectors sa panukala ng isang kumpanya payagang makapagbenta ng over-the-counter medicines ang msa sari-sari store.
Ayon sa pahayag ng DTI, batid ng kagawaran ang potensyal na banta nito sa kalusugan ng publiko.
Sinabi ng DTI na panukala pa lamang ito sa ngayon at wala pang pinal na pasya tungkol dito.
Siniguro din ng ahensya na hindi ito basta-basta magpapasya nang walang isinasagawang konsultasyon sa stakeholders na posibleng maapektuhan ng polisiya.
Airline Companies, pinaalalahanan ng DOTr sa pagbibigay ng napapanahong Flight Updates sa mga pasahero
Asian Development Bank, nagtalaga ng bagong Country Director sa Pilipinas
Foreign Investment Pledges, bumagsak ng 64% sa ika-2 quarter ng taon
Philippine Rice Import Forecast, ibinaba ng USDA bunsod ng 2 buwan na ban sa pag-aangkat ng bigas