Lumagda ang Independent Commission for the Infrastructure (ICI) at ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) ng Memorandum of Agreement (MOA) sa gitna ng isinasagawang imbestigasyon sa umano’y maanomalyang flood control projects sa bansa.
Pinirmahan ang MOA kahapon, sa pangunguna nina retired Supreme Court Associate Justice at ICI Chairperson Andres Reyes, at AMLC Chairman Eli Remolona Jr., sa ICI office sa Taguig City.
Zaldy Co at Rep. Martin Romualdez, iimbitahan sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee
Paglipat ng Flood Control Project Funds sa edukasyon, suportado ng Budget Department
Paglalagay ng 2 pang Temporary Pumps sa Sunog Apog Pumping Station sa Maynila, ipinag-utos ng DPWH chief
ICI, inirekomendang kasuhan si Zaldy Co at iba pang mga opisyal ng DPWH bunsod ng Flood Control Project sa Mindoro
Nakibahagi rin sa MOA signing ang mga kinatawan ng Securities and Exchange Commission (SEC).
Inilawaran ni Reyes ang paglagda sa kasunduan bilang matatag na deklarasyon ng kanilang paglaban sa korapsyon at ipagtanggol ang tiwala ng mga Pilipino.
Idinagdag ng ICI chairperson na sa pamamagitan lamang ng kooperasyon maari nilang harapin ang maraming mukha ng krimen, katiwalian, at masamang aspeto ng pamamahala.