Hinatulang guilty ng Sandiganbayan si Janet Lim Napoles sa dalawang bilang ng kasong malversation of public funds at dalawang bilang ng kasong graft.
Ang kaso ay may kaugnayan sa pagwawaldas sa P7.55 million na halaga ng pork barrel o Priority Development Assistance Fund ni Davao del Sur lawmaker Mark Douglas Cagas IV.
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Sinentensyahan ng korte si Napoles ng 10 hanggang 16 na taong pagkakabilanggo at 10 hanggang 18 taon sa dalawang magkahiwalay na kaso.
Sa impormasyon na inihain ng piskalya naglaan si Cagas ng P7.55 million ng kanyang PDAF para sa bogus NGOs na pag-aari umano ni Napoles.
Kasama ring hinatulan ng korte sina dating state-run TRC officials Dennis Cunanan, Rosalinda Lacsamana at dating NABCOR official Rhodora Mendoza.