IBINASURA ng Sandiganbayan ang hiling ng Ombudsman na i-consolidate ang Malversation at Graft Charges laban kay Dating Ako Bicol Party-List Rep. Zaldy Co at labing anim na iba pa.
Kaugnay ito ng substandard na 289-Million Peso Flood Control Project sa Naujan, Oriental Mindoro.
ICC Pre-Trial Chamber, posibleng desisyunan ang Fitness to Stand Trial ni FPRRD sa Enero
Antipolo Rep. Romeo Acop, pumanaw sa edad na 78
Labi ni Catalina Cabral, itinurnover na sa kanyang pamilya – PNP
Mga biyahero, dagsa na sa PITX, ilang araw bago ang Pasko; 100,000 pulis, magbabantay sa transport hubs sa gitna ng Christmas at New Year Exodus
Sa resolusyon na may petsang Dec. 10, inihayag ng Sandiganbayan 5th Division na ang pag-apruba sa hirit na consolidation ng Ombudsman prosecutors ay maari lamang magdulot ng delay sa trial.
Sinabi ng Sandiganbayan 5th Division na naitakda na ng 6th Division ng Anti-Graft Court na humahawak sa Malversation Charge, ang mga petsa para sa pre-trial at marking of evidence sa Jan. 19 at 26, 2026, maging sa Feb. 5, 12, 19, at 26, 2026.
Idinagdag ng Anti-Graft Court na kailangang i-reschedule ang mga naturang petsa kung isusulong ang consolidation.
