2 December 2024
Calbayog City
Overseas

Israeli Strikes, pumatay ng 200 katao sa Gaza

DALAWANDAANG katao ang nasawi sa Israeli Airstrikes sa Northern Gaza, ayon sa local health officials.

Bunsod nito, sinabi ng United Nations na pansamantala muna nilang ititigil ang paghahatid ng tulong sa pamamagitan ng pagtawid sa Gaza dahil ninanakaw ang kanilang mga truck.

Patuloy na lumalala ang humanitarian situation sa gaza, kung saan lubo-libo katao na ang nasawi sa pag-atake ng Israeli Military, at banta ng matinding gutom sa mga natitirang sibilyan sa lugar.

Noong biyernes ay dalawang bata at isang babae ang nadaganan at nasawi habang bumibili ng pagkain sa isang bakery sa Central Gaza.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).