MAHIGIT tatlundaang indibidwal ang inilikas matapos umapaw ang Layawan River sa Oroquieta City sa Misamis Occidental bunsod ng tuloy-tuloy na pag-ulan.
Ilang kabahayan sa Barangay Villaflor ang pinasok ng tubig makaraang umapaw ang naturang ilog.
Pansamantala ring nanunuluyan sa mga evacuation center ang mga residente mula sa iba’t ibang barangay na naapektuhan ng baha.
Inatasan na ni Misamis Occidental Gov. Henry Oaminal ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na i-monitor ang sitwasyon.