Ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) ang isang Japanese Language Center (JLC) sa Davao City dahil sa pagkakasangkot nito sa illegal recruitment.
Ang Sincere Japanese Skills Academy, Inc. (Sincere) ay ang ikaapat na JLC na ipinasara ng DMW sa loob lamang ng dalawang linggo kasunod ng pagsasara ng tatlong kaparehong pasilidad sa Bulacan at Cebu.
Ayon sa imbestigasyon, ang Sincere ay hindi lamang nag-aalok ng Japanese Language Training na may kasamang pangakong trabaho sa Japan, kundi nakipag-ugnayan din ito sa mga hindi otorisadong recruitment entities tulad ng Advanced Ability Association (AAA) — isang pekeng recruitment group para umano sa pagproseso ng trabaho sa ibang bansa.
Financial Transactions ng Flood Control Contractors, iniimbestigahan na ng AMLC
Dating DPWH Sec. Bonoan, pinangalanan sa bagong pasabog ni Sen. Lacson
Senators Jinggoy Estrada at Joel Villanueva, idinawit sa maanomalyang Flood Control Projects
PBBM, nakabalik na sa bansa mula sa State Visit sa Cambodia bitbit ang limang nilagdaang Kasunduan
Ang pagpapasara sa Sincere ay alinsunod sa Closure Order No. 14, Series of 2025 na inilabas ng DMW.
Nag-ugat ang aksyon ng DMW mula sa mga reklamo ng mga OFWs na biktima sa Japan na dumulog sa Migrant Workers Office (MWO) sa Tokyo.
Batay sa kanilang testimonya, siningil sila ng halagang P3,000 hanggang P50,000 para sa language training, at pinangakuang makakakuha ng trabaho bilang caregiver, food and beverage service personnel, o ground handler sa aviation industry kapag pumasa sa isang exam pagkatapos ng kurso.
Isasama na din sa DMW List of Persons and Entities with Derogatory Record ang Sincere at ang mga opisyal nito, at mahaharap sila sa kasong illegal recruitment.
Nanawagan ang DMW sa iba pang posibleng biktima ng Sincere na makipag-ugnayan sa Migrant Workers Protection Bureau sa pamamagitan ng kanilang Facebook page: https://www.facebook.com/dmwairtip upang mabigyan ng libreng legal na tulong at suporta.