BUMABA pa sa 1 percent ang inflation rate sa Eastern Visayas noong Marso mula sa 1.1 percent noong Pebrero.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ito ang pinakamababang inflation rate na naitala sa rehiyon simula noong November 2019.
ALSO READ:
Albuera Mayor Kerwin Espinosa, sumuko sa NBI – Cebu kaugnay ng kasong murder
Pag-upgrade sa Calbayog Airport sa Samar, malapit nang umarangkada
Landslides at pagbaha sa 1.4K na barangay sa Eastern Visayas dahil sa Bagyong Basyang, ibinabala ng MGB
Militar, pinaigting ang pagtugis sa mga natitirang miyembro ng NPA sa San Jorge, Samar
Sinabi ni psa Eastern Visayas Supervising Statistical Specialist Zonia Salazar, na ang pinakahuling pigura ay ika-apat sa pinakamababang inflation rate mula sa labimpitong rehiyon sa bansa noong Marso.
Tatlo naman mula sa anim na lalawigan sa Region 8 ang nakapagtala ng mas mataas na inflation rate, na kinabibilngan ng Eastern Samar; Biliran, at Northern Samar.
