BUMAGAL ang inflation rate sa bansa sa ikalawang buwan ng 2025, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa press conference sa Quezon City, inihayag ni Deputy National Statistician at PSA Assistant Secretary Divina Gracia Del Prado na naitala sa 2.1 percent ang inflation o ang bilis ng paggalaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo, noong Pebrero.
ALSO READ:
Halaga ng piso muling bumagsak sa bagong record-low
Total External Trade in Goods ng Pilipinas, tumaas ng mahigit 10%
Economic team, magsasagawa ng special meeting kaugnay ng suspensyon sa fuel excise tax sa susunod na linggo
Pangulong Marcos, kumpiyansang maaabot ang 6% GDP growth sa 2028 sa kabila ng epekto ng giyera sa Middle East
Mas mabagal ito kumpara sa 2.9 percent inflation na nai-record noong Enero.
Ang February inflation figure ay pinakamababa rin simula noong Setyembre ng nakaraang taon na naitala sa 1.9 percent.
