BUMILIS sa 2.3 percent ang inflation rate noong Oktubre, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa press conference, sinabi ni National Statistician at PSA Chief Undersecretary Claire Dennis Mapa na mas mabilis ang paggalaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo noong nakaraang buwan kumpara noong setyembre na naitala sa 1.9 percent.
Ayon sa PSA, ang uptrend sa overall inflation noong Oktubre ay bunsod ng mas mabilis na taunang pagtaas ng heavily-weighted food and non-alcoholic beverages na nasa 2.9 percent sa naturang buwan mula sa 1.4 percent noong Setyembre.
Kabilang sa top 3 commodity groups na nag-ambag sa October 2024 overall inflation ay food and non-alcoholic beverages na may 46.9 percent share; house, water, electricity, gas and other fuels na may 22 percent share; at restaurants and accommodation services na may 16.1 percent share.